Friday, May 4, 2012

Jessica Sanchez survives elimination; joins American Idol Top 4

Jessica Sanchez survives elimination; joins American Idol Top 4

5/04/2012 1:09 PM

by: Mika Esperanza

Push This

050412-jessica_main.jpgNalalapit na sa pangarap na tagumpay ang Filipino-Mexican American singer na si Jessica Sanchez matapos niyang makapasok sa Top 4 ng American Idol Season 11 nitong Biyernes (Manila time).

Naligtas sa eliminasyon sa linggong ito si Jessica matapos makakuha ng sapat na boto mula sa mga manonood ng programa.

Kasama ngayon ni Jessica sila Hollie Cavanagh, Phillip Phillips at Joshua Ledet sa Top 4, samantalang nagtapos na ang laban ni Skylar Laine na siyang natanggal sa linggong ito.

Nitong nagdaang Huwebes (Manila time), naging hati ang pagtingin ng mga huradong sila Randy Jackson, Steven Tyler at Jennifer Lopez sa mga naging performance ni Jessica.

Sa unang round, hindi gaanong nagustuhan ni Randy ang version niya ng "Proud Mary" na pinasikat ni Tina Turner.

Umani naman muli ng ng papuri si Jessica sa rendition niya ng "You Are So Beautiful" para sa second round.

"You, once again, showed America just how beautiful your voice is. You're going to be No. 1, girl," ani Randy.

Marami ang umaasa ngayon na manalo si Jessica lalo't natanggal na si Skylar na kinikilalang isa sa pinakamalakas na kalahok sa show.

No comments:

Post a Comment